Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang paghahanda sa patuloy na pag-ulan dulot ng #HabagatPH, nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga lugar sa Quezon City na may mataas na panganib sa pagbaha.
Inilipat ang mga residente sa mga itinalagang evacuation centers upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang nagpapatuloy ang masamang panahon.
Patuloy ang koordinasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) at mga barangay sa pagmomonitor ng sitwasyon at pagresponde sa pangangailangan ng mga QCitizens.
Para sa emergency, tumawag sa QC Helpline 122.
Mag-ingat at manatiling ligtas, QCitizens!










