Nag-ikot at nagbahay-bahay na para mag-inspeksyon at magsagawa ng preemptive evacuation ang mga tauhan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), kasama ang Department of Public Order & Safety (DPOS), at Traffic & Transport Management Department (TTMD) para tiyaking ligtas ang mga QCitizen bunsod ng pananalasa ng Bagyong #KristinePH.

Kabilang sa mga nirespondehan ang mga bahaing lugar sa Brgy. Bagong Silangan, Brgy. Tatalon, Brgy. Talayan, Brgy. Roxas, at Brgy. Damayang Lagi.

Patuloy po tayong mag-ingat sa banta ng baha ngayong patuloy ang pagbuhos ng ulan.

Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.

#StaySafeQCitizens

+19