Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte kasama sina Mr. Ed Lejano, festival director at Ms. Manet Dayrit ng QC Film Foundation ang premiere night ng QCinema International Film Festival 2022 In10City: A Decade of Intense Film Experience kagabi.
Itinampok ang kauna-unahang Philippine premiere ng pelikulang Triangle of Sadness na idinirek ni Ruben Östlund at pinagbidahan ng aktres na si Ms. Dolly de Leon.
Sinuportahan din ng ilang personalidad sa industriya ng pelikulang Pilipino ang ginanap na gala night ng QCinema.
Abangan ang iba pang pelikulang itatanghal sa QCinema mula November 17-26 sa Gateway at Ali Mall Cineplex, Power Plant Cinema, Cinema ’76 Film Society, Ayala Malls TriNoma, at SM City North Edsa.
Para sa buong screening schedule ng QCinema, i-click lamang ang link: https://www.facebook.com/QCinemaPH/posts/1986467731548379