Nagpulong ang Quezon City Law and Order Cluster upang talakayin ang mga paghahanda ng lungsod sa nalalapit na State of the Nation Address 2024 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa pulong sina Chief of Staff Ms. Rowena Macatao, Department of Public Order and Safety Head Elmo San Diego, QC Police District Deputy District Director for Operations PCol. Amante Daro, Department of Sanitation and Cleanup Works head Mr. Richard Santuile, mga kinatawan ng Traffic and Transport Management Department at Metro Manila Development Authority at iba pang kinatawan ng QC.
Puspusan ang paghahanda ng pamahalaang lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng lahat sa darating na SONA 2024.