Kinumusta ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga estudyante at guro sa YAKAP (Yaman ng Kalusugan) Program caravan sa San Francisco High School ngayong araw.
Tinatayang 200 guro at estudyante ang nakatanggap ng serbisyong pangkalusugan, katuwang ang Quezon City Health Department.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang vision screening, laboratory tests gamit ang “Lab for All” mobile medical van, medical consultation, libreng gamot, at PhilHealth registration.
Kasama rin sa pagbisita sina Department of Education Secretary Sonny Angara at Mayor Joy Belmonte, na aktibong tumutulong sa pagpapatupad ng programa.
Layunin ng YAKAP na mabigyan ang mga miyembro ng enhanced primary care benefits, kabilang ang routine checkups, laboratory tests, cancer screenings, at libreng gamot sa outpatient sa ilalim ng GAMOT program.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa YAKAP, bisitahin ang official site ng PhilHealth: https://www.philhealth.gov.ph/yakap/








