Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang isa sa mga recipient ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng DILG, nakatanggap ang Quezon City Government ng suporta para sa kapaki-pakinabang na proyekto sa komunidad.
Sa tulong ng SGLG Incentive Fund, nagkaroon ng karagdagang equipment ang QC Water Testing Laboratory.
Pormal na inendorso nina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Mike Alimurung, at mga department head ang documentary requirements ng proyekto kay DILG QC Director Manny Borromeo, sa ginanap na flag-raising ceremony ngayong Lunes.
Pinapalakas ng QC Water Testing Laboratory ang kakayahan ng lungsod sa pagsusuri ng kalidad ng tubig, at nagtataguyod sa pangkalahatang kalusugan ng mga mamamayan.





