Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Quezon City ang Most Child-Friendly City sa Pilipinas!
Ngayong Lunes, pormal na iniabot ni Council for the Welfare of Children Executive Director Usec. Angelo Tapales ang Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities (PACFMC) sa Quezon City Government.
Ang parangal ay sumasalamin sa matibay na paninindigan ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa kapakanan ng bawat batang QCitizen.
Sa Quezon City, sinisiguro na inklusibo, maagap, at makatao ang pamamahala para matiyak na kasama ang lahat sa pag-unlad.




