Humakot ng parangal ang Quezon City Council sa ginanap na Local Legislative Awards 2026 at Gawad Galing Lokal na Batas noong nakaraang linggo.
Hall of Famer na ang Quezon City Council, sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto, dahil sa tatlong magkakasunod na parangal bilang Best City Council sa ilalim ng Highly Urbanized City Category (assessment periods in 2015, 2018, and 2022) ng Local Legislative Awards 2026.
Nakamit naman ng Sangguniang Panlungsod ang dalawang gold, isang silver, at isang bronze award sa Gawad Galing Lokal na Batas, na kumikilala sa mga natatanging ordinansa:
GOLD – “Pre-Emptive and Mandatory Evacuation” City Ordinance SP-3440, S-2024 nina Coun. Charm Ferrer, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Rannie Ludovica, at Coun. Mari Rodriguez
GOLD – “Vendors Business School” City Ordinance SP-3430, S-2025 nina Coun. Vic Bernardo, Coun. Joseph Juico, Coun. Aly Medalla, Coun. Banjo Pilar, Coun. Candy Medina, at Coun. Wency Lagumbay
SILVER – “QC-BRO” Birth Registration Online SP-3197, S-2023 ni Coun. Ram Medalla
BRONZE – “Recovery of Forfeited Properties” SP-3264, S-2023 nina Coun. Wency Lagumbay, Coun. Kristine Matias, at Coun. Dorothy Delarmente




