Malugod na sinalubong nina Mayor Joy Belmonte, Department of Health Secretary Ted Herbosa, at mga doktor si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ngayong umaga.
Pinuntahan ni President Marcos ang itinatayong 20-storey PCMC legacy tower na ibayong palawakin pa ang kapasidad ng ospital sa pagkalinga sa mga batang may sakit, lalo na sa mga may cancer.
Sinilip niya ang mga pasilidad sa PCMC at ang mga bagong equipment dito kabilang ang high-end na CT-Scan machine at DR X-Ray machine.
Nagbigay ang Pangulo ng 150 Million pesos sa PCMC para sa paga-upgrade ng mga medical equipment ng ospital.
Ang pagbisita ni PBBM sa PCMC ay bahagi ng Childhood Cancer Awareness Month celebration.