Ginawaran ang President’s Hill sa Horseshoe Village, Quezon City, ng WELL Residence Precertification bilang pagkilala sa pagsunod nito sa mga pandaigdigang pamantayan sa pagtataguyod ng tahanang nakatuon sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente.
Ang President’s Hill ang kauna-unahang proyektong nakatanggap ng WELL Residence Precertification sa bansa, na may konsepto ng “healthy home”—may maayos na bentilasyon, sapat na natural light, komportableng temperatura, at iba pang kwalipikasyong nagtitiyak sa kapakanan ng bawat nakatira sa isang tahanan.
Pormal na iniabot ni International WELL Building Institute Vice President and Head of Asia Pacific Jack Noonan ang pagkilala sa Menarco Development Corporation, sa pangunguna ng kanilang founder at CEO na si Ms Carmen Jimenez-Ong.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Joy ang Menarco Development sa pakikiisa sa layunin ng pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng ligtas at malusog na mga tahanan para sa mga QCitizen.
Magtutulungan ang Menarco at Quezon City Government sa pagbuo ng kauna-unahang Healthy Socialized Housing project sa Barangay Old Balara.










