Bawat QCitizen ay bahagi ng solusyon upang mapapigilan ang pagtaas ng kaso ng Sexually Transmitted Infections (STIs), Human Immunodeficiency Virus (HIV), at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa ating lungsod.
Layon ng lokal na pamahalaan na makamit ang zero new cases, zero discrimination, at zero HIV-related deaths sa ating lungsod sa taong 2030, kaya’t samahan ninyo kami sa ating kampanya upang masugpo ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng HIV sa Quezon City.
Tandaan ang mga hakbang upang maprotektahan ang inyong sarili at mga mahal sa buhay:
PREVENT: Gumamit ng mga proteksyon at protektahan ang inyong sarili
DETECT: End the Stigma and know your status! Magpa-test sa ating mga social hygiene clinics
TREAT: Libre at epektibo ang gamot sa HIV at AIDS, magpakonsulta sa ating mga peer counselor sa ating klinika
Tingnan dito ang iba-ibang sundown clinics sa lungsod na nagbibigay ng access sa mga de-kalidad na serbisyo at konsultasyon: https://www.facebook.com/QCGov/posts/461067556207889
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang #Zeroat2030 website: https://zeroat2030.quezoncity.gov.ph/