Dapat Merry ang Christmas ng QCitizen consumers!
Ngayong araw ay nagsagawa ng surprise visit ang lokal na pamahalaan sa mga supermarket sa Muñoz, Quezon City upang masigurong sumusunod ang mga ito sa patakaran ng lungsod.
Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang price and supply monitoring ng noche buena items at checking of business permits para matiyak na ang business owners ay registered at umaaayon ang presyo nila sa Suggested Retail Price (SRP).
Mismong sina BPLD head Margie Santos, Market Development and Administration Department (MDAD) Action Officer for Operations Col. Alex Alberto (Ret), kasama ang mga kinatawan mula sa DTI at MDAD ang nag-inspeksyon sa mga produkto at mga dokumento ng mga supermarket.