Nagpulong ang mga miyembro ng Quezon City Pride Council sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte bilang paghahanda sa selebrasyon ng Lungsod sa Pride Month sa Hunyo.
Inihahanda na ng lungsod ang mas masayang selebrasyon ng Pride March bilang suporta sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at paglaban sa anumang uri ng gender-based discrimination.
Pinag-usapan din ang planong pagpapalawak sa kaalaman ng bawat LGBTQIA+ household tungkol sa Special Power of Attorney na maaaring gamitin ng ating LGBTQIA+ couples in case of emergency.
Nakabuo na rin ang lungsod ng comprehensive strategic plan na nagsusulong ng SOGIESC upang matiyak at masiguro ang isang ligtas at inklusibong lungsod para sa lahat.
Kasama sa mga dumalo sa pulong sina City Pride Council Consultant Percy Cerdeña, Mela Habijan ng Pride PH, Adrian de Guzman ng Mullenlowe Treyna, at mga department head.