Bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride Month at paghahanda sa darating na pinakamalaking pagtitipon ng LGBTQIA+ sa bansa na kilala bilang Pride PH Festival: Alab for Love #OnePride, nagsagawa ng press conference ang Pride PH at QC Government sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, Ms. Mela Habijan, QC Tourism Dept. head Ma. Teresa Tirona, Dr. Esperanza Arias, Dr. Rolly Cruz, Dr. Malou Eleria ng QC Health Department, at QC Gender and Development Office, kung saan katuwang ng Pride PH ang Pamahalaang Lungsod Quezon sa aktibidad.

Ipinagmalaki ni Mayor Belmonte ang ordinansa na naunang ipinasa ng pamahalaang lungsod, ang QC Gender Fair Ordinance na naglalayong mabigyan ng pantay na pagtrato at maiwasan ang diskriminasyon sa sinumang kasapi ng LGBTQIA+ community, kung kaya napili ng Pride PH ang Quezon City bilang host city sa darating na selebrasyon.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa Pride PH Festival: Alab for Love sa darating na June 25 na gaganapin sa Quezon Memorial Circle sa ganap na 10 AM hanggang 12 MN. Magkakaroon ng sari-saring performances, talks mula sa special guests, at libreng HIV testing mula sa City Epidemiology and Surveillance Unit.