Matagumpay na isinagawa ang programang Pride Without Borders sa Fishermall ngayong araw.
Nagsanib-puwersa ang Quezon City Government, Fisher Mall, at ang LGBTQ+ community sa pagpapahayag ng pagmamahal, pagtanggap, at pagkakapantay-pantay.
Tampok sa programa ang Pride Parade, runway show ng mga kalahok ng Tomboy Philippines Year 2, photobooth, Pride Bingo, at performance ng ilang drag queens.
Kasama rin sa programa ang ilang local queer-owned businesses at libreng HIV testing na pinangunahan ng City Health Department.
Nagbahagi ng mga mensahe sina Coun. Doc Ellie Juan bilang chairperson ng Committee on Women, Family Relations, and Gender Equality sa City Council, at si Ms. Giana Barata, Acting Chief Tourism Operations Officer ng City Tourism Department – Planning Division.




