Congratulations, Team QC!
Muling kinilala ang Quezon City matapos gawaran ng Tugatog Award ng Procurement Service- Department of Budget and Management (PS-DBM).
Personal na tinanggap ni City Procurement Department Head Atty. Dominic Garcia ang pagkilala sa ginanap na ONE in Procurement and Service 2024 – Transformative Public Service in the Digital Age.
Ang QC ang natatanging LGU na napabilang sa mga ahensyang ginawaran ng nasabing parangal.
Ang Tugatog Award ay iginagawad sa mga ahensyang nagkamit ng pinakamataas na compliance sa paghahatid ng de-kalidad na supply at serbisyo alinsunod sa mandatong ipinatutupad ng PS-DBM.



