Congratulations, batch 2024-2025!
Aabot sa 455 kabataang QCitizen ang sumakses at grumaduate na sa Grade 6 sa Project 6 Special Science Elementary School.
Malugod silang binati nina Mayor Joy Belmonte, District 1 Rep. Arjo Atayde, at Coun. Dorothy Delarmente, sa kanilang graduation ceremony sa QC M.I.C.E. Center.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng alkalde na mas mahalaga ang paghubog sa talento, ugali, at buong pagkatao ng mga kabataan kaysa sa pagtuon lamang sa grado o score sa exams.
Sa Quezon City, patuloy ang pagbibigay suporta ng lokal na pamahalaan para matiyak ang maganda at maayos na learning environment para sa mga mag-aaral, tulad ng pagbibigay ng school supplies at pagmamahagi ng mga equipment para sa mga classroom at paaralan.
Pinarangalan naman si Lady Bridget Castillo ng Joy of Public Service Award bilang pagkilala sa kanyang husay bilang student leader.




