Nagsama-sama ang mga miyembro ng Program Implementation Sub-Committee on Child Labor (QC-PIC) mula sa iba-ibang departamento ng lungsod, non-government organizations, at national government bilang bahagi ng Project Against Child Exploitation (ACE) Completion Summit.
Ibinahagi ng iba-ibang organisasyon, barangay, at opisina ng pamahalaan ang mga nagawa ng kani-kanilang ahensya para tuluyan nang matuldukan ang child labor at exploitation.
Ang Project ACE ay proyekto ng World Vision, sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government, na tumutugon sa problema ng sapilitang pagta-trabaho, at pang-aabuso sa mga kabataan.