Inilunsad ng Market Development and Administration Department (MDAD) ang kanilang solid waste solution bilang tugon sa 14-Point Agenda ni Mayor Joy Belmonte na green and sustainable city.

Sa pakikipagtulungan sa Ecological Solid Wastes Solutions, Inc. at G. Jovi Mañabo, isinagawa ang pilot testing ng Rapid Composting Machine na pinamamahalaan ng MDAD, at ipinaliwanag ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng wastong solid waste management.

Ibinahagi rin ni P/Col. Procopio Lipana (Ret.), Plans and Programs Officer ng MDAD ang kahalagahan ng proyektong ito upang mapabuti ang kasalukuyang lagay ng Quezon City Public Markets.

Dumalo rin sa event at nagbigay suporta si City Administrator for Operations Alberto Kimpo.