Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isinagawa ng Social Services Development Department sa QC M.I.C.E. Center ang ikalawang araw ng Proper Food Handling Training para sa kanilang mga volunteer at personnel na pangunahing abala sa disaster relief operations sa iba-ibang distrito.
Tinalakay nina Danilo Remigio at Ronna Salta, Sanitation Inspectors III mula sa Quezon City Health Department, ang tamang paghahanda ng pagkain para sa mga apektadong pamilya sa mga evacuation center at disaster-affected areas.
Dumalo rin sa training si Maida Salvatierra, isang social worker, upang ibahagi ang kahalagahan ng camp management sa mga internally displaced person sa panahon ng kalamidad.










