Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ng Social Services Development Department amg isinagawang Proper Food Handling Training sa QC M.I.C.E. Center. Para ito sa mga volunteer at personnel na pangunahing abala sa disaster relief operations sa lahat ng distrito.
Ibinahagi nina Danilo Remigio at Ronna Salta, Sanitation Inspectors III mula sa Quezon City Health Department ang tamang paghahanda, paghawak, at pagbibigay ng pagkain sa mga apektadong pamilya at indibidwal sa mga evacuation center at disaster-affected areas upang matiyak ang food safety.










