MARAMING SALAMAT SA MGA QCITIZEN NA NAKIBAHAGI SA PUBLIC HEARINGS NG PROPOSED COMPREHENSIVE ZONING ORDINANCE NG QC!
Matagumpay na naisagawa ng Quezon City Council, sa pamamagitan ng Committee on City Planning, Building and Zoning, kasama ang Zoning Administration Unit (ZAU), City Planning and Development Department (CPDD), Business Permits and Licensing Department (BPLD), Barangay and Community Relations Department (BCRD), City Assessorโs Department, Public Affairs and Information Services Department (PAISD), at Department of the Building Official (DBO) , ang serye ng public hearings para sa PO23CC-278 o Proposed Comprehensive Quezon City Zoning Ordinance of 2026.
Naisagawa ito sa lahat ng distrito ng Quezon City:
District I โ October 21, 2026
District VI โ October 22, 2026
District IV โ October 23, 2026
District V โ October 25, 2026
District III โ October 26, 2026
District II โ October 27, 2026
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng residente, barangay officials, homeowners associations, businesses, peopleโs organizations, civil society organizations, at iba pang stakeholders na dumalo, nagtanong, nagbigay ng kanilang pananaw, at nagbahagi ng mga mungkahi at concerns tungkol sa proposed Zoning Ordinance.
Mahalaga sa amin ang inyong mga sinabi. Ang mga komento at rekomendasyong natanggap sa bawat distrito ay bahagi ng patuloy na pagrepaso at pagpapabuti ng panukalang ordinansa.
May nais pa kayong isumiteng komento, objection, proposed amendment, o recommendation?
Maaari pa kayong magsumite ng inyong position paper hanggang October 30, 2026 sa:
ZAU@quezoncity.gov.ph
coun.bernardherrera.office@gmail.com
Layunin natin na ang bagong Zoning Ordinance ay hindi lamang tumugon sa pag-unlad ng Quezon City, kundi maging responsive din sa tunay na kalagayan, pangangailangan, at karakter ng bawat komunidad.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa, malasakit, at aktibong pakikibahagi!










