Siyam na QCitizens ang nabigyan ng libreng prosthesis mula sa Pamahalaang Lungsod ngayong araw!

Isa ang QCitizen na si Rexson Jomadiao sa mga nakatanggap ng bagong prosthesis.

Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa lungsod, dahil simula nang maputulan ng binti noong 2001, ngayon lang siya makakagamit ng artificial leg.

Nakaharap nila sina Mayor Joy Belmonte, Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay, at Quezon City General Hospital (QCGH) Director Dr. Josephine Sabando.

Ang mga benepisyaryo ay sasailalim din sa libreng post-rehabilitation therapy sa QCGH, para mas masuri at matiyak na sakto sa kanila ang kanilang prosthesis.

+11