Sampung QCitizen ang nabigyan ng libreng prosthesis mula sa Quezon City Government.
Kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang kalagayan ng mga benepisyaryo, kasama sina QC General Hospital Director Dr. Josephine Sabando, at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay.
Para matiyak na maayos at sakto ang mga assistive device, sasailalim ang mga benepisyaryo sa libreng post-rehabilitation therapy sa QCGH.
Ang pamamahagi ng libreng assistive device ay bahagi ng implementasyon ng City Ordinance 3164-2022.




