Facts


Sa Totoo Lang!


Webinar Series about the COVID-19 Vaccine

Sa susunod na episode ng #SaTotooLang, makakasama natin ang ilan sa mga kababayan mula sa ibang bansa na nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19. Ibabahagi nila ang kanilang karanasan at naramdaman matapos mabakunahan.

Tumutok sa ating Facebook page ngayong Miyerkules, 6PM! ☺️

#SaTotooLang, ano ba ang COVID-19 mutations at variants? Mapanganib ba ang mga ito?

Kasama natin si Dr. Marc Edsel Ayes, ang Lab Manager at Clinical Health Officer sa University of the Philippines-Philippine Genome, Clinical Genomics Laboratory para bigyang linaw ang ating mga tanong tungkol sa variants ng virus.

Samahan niyo kami at tumutok sa ating Facebook Live ngayong Huwebes, alas-dos ng hapon. Magpost lang sa comment section ng inyong tanong tungkol sa ating paksa.

#SaTotooLang, dapat ba tayong magtiwala sa bakuna?

Sasagutin yan ni Dr. Susan Mercado, ang Special Envoy of the President for Global Health Initiatives.

Samahan niyo kami at tumutok sa ating Facebook Live alas-dos ng hapon para mabigyang-linaw ang inyong mga tanong tungkol sa bakuna.

Magpost lang sa comment section ng inyong tanong tungkol sa ating paksa. ☺️

#SaTotooLang, ligtas at epektibo ba ang bakuna sa COVID-19?

Ipapaliwanag ng Director General ng Food and Drug Administration na si Dr. Rolando Enrique “Eric” D. Domingo kung paano dumadaan sa masusing regulasyon ang mga bakuna, kabilang ang mga bakuna para sa COVID-19.

Tumutok lang sa ating Facebook page, Huwebes, alas-2 ng hapon. Kita-kits tayo online!

#SaTotooLang, paano ba nilalabanan ng bakuna ang sakit?

Isa lang yan sa mga tanong na bibigyang-linaw sa pagpapatuloy ng ating webinar series kasama ang ekspertong si Dr. Nina Gloriani, Chair ng DOST Expert Vaccine Panel on #COVID19 Vaccine Clinical Trials.

Tumutok lang dito sa ating Facebook page, Huwebes, alas-2 ng hapon. Kita-kits tayo online!

Bakuna at COVID-19 Vaccine FAQs


Bakit kailangang magpabakuna kontra sa COVID-19?

Ang bakuna ay ligtas at epektibong paraan para maiwasan ang sakit. Sa ngayon, may mga bakunang ginagamit bilang proteksyon sa mga sakit gaya ng influenza (trangkaso), measles (tigdas), pneumonia, tetanus, diphtheria at polio.

Kapag nabigyan ka ng bakuna, hindi lamang ikaw ang protektado kundi pati ang mga nakapaligid sa iyo dahil hindi mo na maipapasa ang sakit.

Paano nagkakaiba ang mga bakuna?

Nagkakaiba ang mga bakuna kung saan ito gawa at kung paano nito utusan ang katawan na gumawa ng antibodies o proteksyon sa impeksyon.

Ang bakuna ay maaaring pinahina o patay na virus o bacteria, o isang genetic product (tulad ng mRNA) na gagawa ng protina ng isang virus o bacteria pero hindi magdudulot ng sakit.

Quezon City Vaccine Plan