Pormal nang binuksan ang Proudly Original Products of Quezon City (POP-QC) Women’s Month Bazaar sa Gateway Mall Activity Area.

Tampok sa bazaar ang mga negosyong pinamumunuan ng kababaihan kasama ang kanilang mga natatanging produkto gaya ng pabango, handcrafted items, fashion accessories, batik textiles, creative bayong bags, furniture, at mga produktong gawa ng mga babaeng PDL (persons deprived of liberty).

Pinangunahan ang programa ni QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Ms. Mona Yap at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, kasama sina Councilor Anton Reyes, Vice President for Leasing Ms. Lorna D. Fabian, at J. Amado Araneta Foundation Executive Director Ms. Diane Romero.

Dumalo rin sa programa ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 at Quezon City Symphonic Band.

Bukas ang POP QC Bazaar sa March 17-19, 2023, mula 10:00AM hanggang 9:00PM.

https://www.facebook.com/D3ActionOffice/posts/pfbid02LHRyGhCpCcXvN7HGyNZeJUdK8i5EaYyEjrUgbqu2Jt89sF7WrzqjfaTQCXteeEUVl