Malugod na tinanggap ng Kabahagi Center for Children with Disabilities ang mga kawani mula sa Provincial Government of Quezon sa kanilang benchmarking visit.
Layunin ng aktibidad na matutunan ang innovations ng Kabahagi Center sa larangan ng health at social development services para sa mga batang may kapansanan.
Nais ng provincial government na i-replicate ang Kabahagi Center sa lalawigan upang mapakinabangan din ng mas maraming pamilya at batang nangangailangan.
Kasama sa mga bumubuo sa delegasyon mula Quezon sina Provincial Health Officer Dr. Kristin Mae-jean Villaseñor, Provincial Gender and Development head Atty. Generson Paul Mercado, Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Disability Affairs Office Disability Affairs officer April Rose Veluz, Arch. Judy Virayin ng Provincial Engineering Office, at Dr. Andrei Kromwell Alejandrino, Rehab Med Specialist ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center, kasama ang iba pang mga kawani.
Ipinagmamalaki ng Lungsod ng Quezon na maging isang modelo ng inklusibong serbisyo at pagmamalasakit para sa ating mga batang may kapansanan, at handang ibahagi ang mga aral at karanasan upang mas maraming Pilipino ang makinabang.










