Nakiisa si Vice Mayor Gian Sotto sa pagbubukas ng PS-DBM on Wheels na ginanap sa Quezon City Experience (QCX), Quezon Memorial Circle.
Ang PS-DBM on Wheels ay isang inisyatibo ng Procurement Service–Department of Budget and Management (PS-DBM) na naglalayong isulong ang mas mabilis at maayos na procurement process para sa Common-Use Supplies and Equipment (CSE). Alinsunod ito sa New Government Procurement Act. Nagsisilbi rin itong plataporma upang maipaalam sa mga ahensya ng pamahalaan at iba pang stakeholder ang mga programa, serbisyo, procurement processes, at digital platforms ng PS-DBM na nagtataguyod ng transparency, accountability, at mas mahusay na paghahatid ng serbisyong pampubliko.
Patuloy na nakikipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod Quezon sa mga pambansang ahensya upang maisulong ang responsable, transparent, at makabagong pamamahala para sa kapakinabangan ng mamamayan.










