MAHALAGANG ABISO PARA SA MGA MOTORISTA ![]()
Dry Run for the Implementation of Parking Regulation for Public Parking Space (Tomas Morato – Timog Avenue)
Bilang bahagi ng QC ReVibe efforts para sa pagpapaganda ng mga tourist district ng lungsod, magsasagawa ang Quezon CIty Government ng dry run para sa ipapatupad na bagong parking regulations sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue at Timog Avenue simula Marso 23, 2026 (Lunes).
1. LIBRE ang parking sa mga public parking areas, at ito ay first-come, first-served.
2. Maaaring mag-park sa public parking areas hanggang tatlong (3) oras lamang. Pagkatapos ng tatlong oras, dapat ilipat ng mga driver ang kanilang sasakyan sa ibang public parking spot.
3. Ang parking attendants ng QC Transport and Traffic Management Department (TTMD) lamang ang magbibigay ng opisyal na parking ticket. Walang ibang pwedeng mag-issue ng parking ticket.
4. Kapag lumagpas na sa tatlong (3) oras at hindi pa nililipat ang sasakyan, mabibigyan ang driver ng violation.
5. Ipinagbabawal ang paniningil ng kahit na anong parking fee. Maaaring i-report ang mga ito sa TTMD main office.
Mananatili ang regulasyong ito hanggang sa maipasa na ang PUBLIC PAY PARKING ORDINANCE.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pang-unawa.








