Nagkaroon ng public consultation ang opisina ni Councilor Irene Belmonte katuwang ang Rappler para sa inihahandang ordinansa ng Lungsod Quezon na “carless day and market day,” sa kahabaan ng Tomas Morato tuwing araw ng Linggo.
Katuwang ng Quezon City Council ang Rappler upang mapalawak at mas accessible ang public consultation, gamit ang Rappler Communities App at ang AiDialouge para maproseso ang tugon ng mga dumalo.
Magkakaroon din ng public consultation sa darating na Sabado sa Barangay Obrero.