Nagsagawa ng public consultation ang Quezon City Government para sa mga negosyante at iba pang stakeholders tungkol sa ipapanukalang enhanced Incentives Code ng lungsod.

Dinaluhan ng mga negosyante at grupo ng businessman ang pagtitipon, na ginanap sa Carlos Albert Hall.

Layon ng public consultation na pakinggan ang mga suhesyon at sagutin ang mga katanungan ng mga stakeholder mula sa Medium at Large Enterprises (MLE) na pangunahing makikinabang sa ordinansa.

Kabilang sa mga dumalo sa public consultation ng Committee on Ways and Means sina Coun. Wency Lagumbay, Coun. Shay Liban, Coun. Joseph Juico, Coun. Chuckie Antonio, Coun. Vic Bernardo, Assistant City Administrator Don Javillonar, Assistant City Administrator Atty. Rene Grapilon, Local Economic and Investment Promotions Office (LEIPO) Head Jay Gatmaitan, at mga kinatawan mula sa iba-ibang opisina ng lungsod.

+15