Isinagawa ng Quezon City Council, sa pangunguna ni Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla, ang public consultation para talakayin ang panukalang batas para sa public parking system ng QC.
Tinalakay ang mga probisyon para magkaroon ng maayos at mas sistematikong pamamahala ng paradahan sa mga pampublikong lansangan, kalsada, at eskinita sa lungsod. Kabilang dito ang pagpapatupad ng standardized parking fees na paghahatian ng lungsod at ng mga barangay.
Nagbahagi ng saloobin ang mga kinatawan mula sa mga barangay na kabilang sa identified growth areas.
Dinaluhan din ito nina Councilors Tatay Rannie Ludovica, Joseph Juico, Charm Ferrer, Dorothy Delarmente, Raquel Malañgen, Vic Bernardo, at mga kinatawan mula sa iba-ibang departments ng QC Government.
Susundan pa ito ng public consultation sa business owners at general public para matiyak na maisasaalang-alang ang boses ng mga stakeholder sa pagbuo ng isang makatarungan at epektibong parking system para sa Quezon City.










