Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagdaos muli ang Office of the City Assessor, sa pangunguna ni City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo, ng public consultation upang pakinggan ang mga saloobin, suhestiyon, at rekomendasyon ng iba-ibang sektor kaugnay ng panukalang schedule of market values sa lungsod.
Sa pulong, ipinaliwanag ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA), na naglalayong regular na i-update ang market values ng mga lupa at iba pang real properties tuwing ikatlong taon upang masunod ang kasalukuyang galaw ng merkado.
Hangad ng panukala na magkaroon ng mas malinaw at pare-parehong pamantayan sa property valuation para sa pagbubuwis, gayundin ang pagpapabilis ng mga transaksyon ng pamahalaan.










