Muling isinagawa ng Office of the City Assessor, sa pangunguna ni City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo, ang public consultation para talakayin ang panukalang schedule of market values sa lungsod.
Alinsunod ito sa Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RA 12001), na nag-aatas sa City Assessor’s Office na maghanda ng updated SMV para sa mga real property sa Lungsod Quezon.
Layon ng konsultasyon na pakinggan ang mga suhestiyon at rekomendasyon ng iba’t ibang sektor kaugnay ng pagbabago sa market values sa QC.
Ipinaliwanag ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA), na naglalayong regular na i-update ang market values ng mga lupa at iba pang real properties tuwing ikatlong taon upang masunod ang kasalukuyang galaw ng merkado.
Hangad ng proposal na magkaroon ng mas malinaw at parehong pamantayan sa property valuation para sa pagbubuwis, gayundin ang pagpapabilis ng mga transaksyon ng pamahalaan.










