Nagsagawa ng public consultation ang Office of the City Assessor sa pangunguna ni City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo upang alamin ang concerns at suhestiyon ng iba’t ibang barangay mula sa District 1 tungkol sa proposed schedule of market values sa lungsod.
Tinalakay dito ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act, na layong i-update ang market values ng mga ari-arian o mga lupa kada tatlong taon upang maging akma sa kasalukuyang market trends.
Layon din nitong magkaroon ng iisang batayan ng valuation para sa pagbubuwis at mapabilis ang mga transaksyon ng pamahalaan.
Dumalo rin sina Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla, District 1 Coun. Joseph Juico, Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, at iba pang mga kawani.








