Sa pagdiriwang ng Quezon City Children’s Month 2024, pinangunahan ng Public Employment Service Office ang livelihood training ng 50 parents na naitala ng Child Labor program.
Tinanggap nila ang QC Essentials Shampoo Bar and Soap Making Set bilang bahagi ng livelihood program ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (QC SBCDPO).
Si Ms. Gina Belencio mula sa QC SBCDPO ang nagsanay kung paano gumawa ng Shampoo soap bar, isa sa mga produkto na maaari nilang pagkakitaan.
Ang oryentasyon at pagsasanay ay naglalayon na makapagbigay ng sapat na kaalaman sa pagnenegosyo.
Layunin din ng programa na gamit ang mga kabuhayan kits ay matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mga anak.