Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Idinaos ng Public Employment Service Office (PESO) ang pagsasanay ng mga enumerators para sa malawakang profiling ng mga batang manggagawa sa lungsod.
Tinalakay sa pagsasanay ang karapatan ng mga bata, ang pagkakaiba ng child labor at child work, at ang mahahalagang alituntunin at ethical considerations upang matiyak ang makatao at tamang pagtrato sa mga bata at kanilang pamilya.
Bahagi rin nito ang pagsasanay ng mga enumerators sa paggamit ng tablet para sa makabagong digitalized Quezon City Child Labor Local Registry (QCCLLR).
Layunin ng inisyatibong ito na magkaroon ng mas mabilis, maayos, at epektibong pagtugon sa mga kaso ng child labor sa lungsod bilang bahagi ng Zero Child Labor campaign.








