Matagumpay na isinagawa ang dalawang araw na pagsasanay para sa mga QC Helpline 122 Operators sa pangunguna ng Public Employment Service Office (QC-PESO) at ng Philippine Children’s Ministries Network (PCMN) sa ilalim ng REACT Project (Reduce Exploitation and Abuse of Children Together).
Sumailalim sa pagsasanay ang dalawang batch ng Helpline 122 Operators mula sa Quezon City Citizen Services Department (QCCSD), kasama si QCCSD Head Mr. Joel Distrajo, upang palakasin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagbibigay ng maagap, makatao, at child-sensitive na pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa mga bata.
Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman sina Ms. Leila Interino, Social Worker, at Ms. Kimberly Afundar, Project Community Officer, hinggil sa child protection, child safeguarding, wastong referral, at ligtas na pagtugon sa mga batang nangangailangan ng tulong at proteksyon.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, masisiguro na ang bawat batang humihingi ng tulong ay mapakikinggan, mauunawaan, at mabibigyan ng agarang proteksyon at suporta.










