PUBLIC HEALTH ADVISORY
Idineklara ng World Health Organization ang MPOX outbreak bilang PUBLIC HEALTH EMERGENCY OF INTERNATIONAL CONCERN (PHEIC) noong nakaraang linggo.
Ngayong araw, ibinalita naman ng Department of Health (DOH) na na-detect sa Pilipinas ang unang kaso nito ngayong taon.
Bagaman wala pang kaso sa lungsod, nakaantabay ang Quezon City Government sa pangunguna ng QC Health Department para maiwasan at matugunan ito.
Pero, ano nga ba ang MPOX, at mga sintomas nito? Alamin kung paano ito maiiwasan, at ano ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan para matiyak na ligtas ang mga QCitizen mula rito.