PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT

Magtatayo ng livestock at poultry inspection areas o checkpoints ang City Veterinary Department kasama ang Bureau of Animal Industry sa ilang barangay sa lungsod. Target ng operasyon na masuri ang mga pumapasok na buhay na hayop at animal products sa Quezon City.

Ito’y matapos muling magkaroon ng mga kaso ng African Swine Fever o ASF sa ilang lugar sa bansa.

Bahagi ito ng pagtulong ng Quezon City Veterinary Department sa Bureau of Animal Industry para maiwasan ang pagkalat ng ASF sa ibang lugar sa pamamagitan ng cross-infection sa mga baboy.

Hindi apektado ng ASF ang Quezon City dahil nananatiling bawal ang pag-aalaga ng baboy sa lungsod.

Itatayo ang mga checkpoints sa Pearl Drive, Commonwealth, Kaingin Road, Balintawak, Mindanao Ave – Tandang Sora Ave., at Paang Bundok, NS Amoranto La Loma. Magsisimula ang operasyon bukas, August 14, 2024, at tatagal hanggang Disyembre ngayong taon.

Inaasahan po namin ang inyong kooperasyon.