PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT
Simula Lunes, Hunyo 2, 2025, magsisimula ang beautification, clean-up, at repair works sa Tomas Morato Avenue, mula E. Rodriguez Sr. Avenue hanggang Eugenio Lopez Jr. Drive. Ang ilang bahagi ng mga sidewalk o bangketa ay pansamantalang isasara para sa nasabing pagsasaayos.
Tatagal ang proyekto ng tatlong buwan at inaasahang hindi makakaapekto sa daloy ng trapiko. Mananatili rin ang Car-Free, Carefree Tomas Morato Sundays.
Para sa updates, bisitahin ang opisyal na Facebook page o website ng Quezon City Government.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pang-unawa.
