MAHALAGANG ANUNSYO
Sa #Eleksyon2025, itatalaga ang ilang Child Development Centers ng Quezon City bilang Child-Friendly Space.
Kaya QCitizen mommies and daddies, maaaring pansamantalang iwan sa child development centers ang inyong mga anak (3 to 6 years old), mula 6:00 AM hanggang 7:00 PM.
Hangad ng lokal na pamahalaan na makaboto kayo nang maayos at mabilis, at matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng inyong mga anak sa May 12, 2025, Araw ng Halalan.
Narito ang listahan ng mga BUKAS NA CHILD DEVELOPMENT CENTERS at ang kumpletong guidelines sa pag-iiwan at pagsundo ng inyong anak sa mga center sa #Eleksyon2025.














