MAHALAGANG ANUNSYO
Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City sa July 28, 2025, alinsunod sa Executive Order No. 10 S. 2025.
Layon nitong hikayatin ang lahat na makinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maiwasang maipit ang publiko sa trapiko.
Tingnan ang buong detalye sa link:
https://quezoncity.gov.ph/…/an-order-implementing…/
