PAALALA SA PUBLIKO
Napag-alaman ng Quezon City Health Department (QCHD) na may mga indibidwal na gumagawa at nagbebenta ng pekeng medical certificate. Mahigpit naming pinaaalalahanan ang lahat na bawal ang paggawa at paggamit ng mga pekeng dokumentong ito. Ang medical certificate na ibinibigay ng ating 67 health centers ay LIBRE.
Ang pamemeke o pag-edit ng medical certificate ay isang paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code at maaari ring masaklaw ng Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases.
Pinapaalalahanan din ang lahat ng kumpanya at institusyon na suriin ang mga medical certificate na isinusumite sa kanila. Lahat ng dokumentong galing sa ating health centers ay mayroong Unique Facility Control Number na nagsasaad kung saan ito inilabas.
Kung nais mag-verify o mag-report ng kahina-hinalang dokumento, maaaring makipag-ugnayan sa QCHD sa pamamagitan ng cityhealth@quezoncity.gov.ph, sa Quezon City Health Department Official Facebook Page, o sa telepono bilang 8988-4242 loc. 1607.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.




