[Public Service Announcement]

Simula Mayo 2, 2024 (Huwebes), ipapatupad ang modified work schedule sa Quezon City Hall, at bukas ang mga tanggapan mula 7:00 AM hanggang 5:00 PM.

Alinsunod sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 24-08, s. 2024, may mga kawaning papasok ng 7:00 AM upang makatulong sa pagpapagaan ng trapiko sa Metro Manila.

Magtatalaga naman ng ilang tauhan ang Quezon City Government para sa iba pang transaksyon hanggang 5:00 PM.

Tuloy rin ang kasalukuyang work schedule ng mga tanggapan na naghahatid ng essential services (health services, frontline services, social services, teaching personnel, traffic management, disaster and emergency response).

Maraming salamat po.