PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT
Nakipagpulong ang Quezon City Government sa Maynilad at sa kontraktor ng isinasagawang pipeline rehabilitation sa kahabaan ng Payatas Road.
Upang maiwasan ang matinding pagsisikip ng trapiko, isasagawa ang operasyon tuwing 10:00 PM hanggang 5:00 AM.
Asahan pa rin ang mabagal na daloy ng sasakyan sa mga oras ng konstruksyon. Ayon sa Maynilad, ang proyekto ay tatagal ng ilang buwan.
Nananatiling nakaantabay ang lokal na pamahalaan, katuwang ang Barangay Commonwealth, Maynilad at ang contractor ng proyekto upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maayos na daloy ng trapiko habang isinasagawa ang rehabilitasyon.
Pinapayuhan ang mga motorista na magplano ng kanilang biyahe nang mas maaga, iwasan ang apektadong bahagi kung maaari, at makipagtulungan sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng lahat.
Maraming salamat po.
