PAALALA SA PUBLIKO
Mahigpit na ipinapaalala ng Quezon City Government sa lahat ng mamamayan na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng paninira o vandalism sa mga city bus at iba pang pampublikong ari-arian.
Ang pagsusulat, pag-guhit, pagdikit ng sticker, o anumang paraan ng paninira sa ating mga pampublikong sasakyan ay labag sa batas at nagdudulot ng pinsala hindi lamang sa ari-arian ng lungsod kundi pati sa kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng ating komunidad.
Ang sinumang mahuhuling lumalabag ay aarestuhin at papanagutin alinsunod sa Revised Penal Code, Article 327 o 328 (Malicious Mischief), na may kaparusahang pagkakakulong na maaaring umabot ng hanggang anim (6) na taon, bukod pa sa kaukulang multa at iba pang pananagutan.
Panatilihin nating malinis, maayos, at ligtas ang ating mga pampublikong sasakyan.
Ang disiplina ay responsibilidad ng bawat isa. Sama-sama nating pangalagaan ang ating lungsod.




