PAALALA SA PUBLIKO
Simula January 12, 2026, permanente nang isasara ang QCID Office sa Building F.
Ang mga walk-in application para sa bagong QCID ay tatanggapin sa Business Permits and Licensing Department (BPLD) na matatagpuan sa 1st Floor ng Civic Center Building A.
Para naman sa mga special concern tulad ng card replacement, email changes, at email linking, mangyaring dumiretso sa QCID Office sa 2nd Floor ng Highrise Building.
Ang processing ng PWD at Senior Citizen IDs ay mananatili sa kani-kanilang tanggapan sa Community Center (PDAO at OSCA).
Ihanda ang kumpletong requirements upang maging mabilis at maayos ang inyong transaksyon.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.





