MAHALAGANG ABISO MULA SA BUREAU OF FIRE PROTECTION
Iniutos ni Bureau of Fire Protection (BFP) Officer-in-Charge FCSUPT Wilberto Rico Neil A Kwan Tiu ang pag-alis sa pwesto ng lahat ng Fire Safety Inspectors (FSIs) sa buong Metro Manila. Kabilang dito ang 202 FSIs sa Quezon City.
Bahagi ito ng malawakang reporma sa Fire Safety Enforcement System ng BFP na magsisigurong umiiral ang transparency at accountability sa inspeksyon ng mga gusali.
Para hindi maapektuhan ang aplikasyon ng mga Business at Occupancy Permit na nangangailangan ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC), agad magsasagawa ng 40-hour competency training for FSIs ang BFP-QC.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa BFP upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na serbisyo para sa lahat ng QCitizens.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/share/p/1M7yDEaQhW/




