Muling pagbubukas ng Dalawang EDSA U-turn Slots, Tuloy na Simula 6:00 A.M, Disyembre 18.
Paalala lang po, ang bubuksang U-Turn slot sa Quezon City Academy ay para sa light vehicles lamang.
Bawal pumasok sa Quezon City Academy U-turn slot ang mga sasakyan mula sa Misamis Street at SM Annex, parehong nasa SM North EDSA, at mula sa Nueva Ecija Street at mga gusali malapit dito. Bawal din ito sa mga sasakyan mula sa Bansalangin Street at mga gusali at gasolinahan malapit dito.
Mula naman sa Quezon City Academy U-turn slot, bawal tumungo sa Corregidor Street at sa Bansalangin Street.
Ang U-turn opening naman sa may Dario Bridge ay para lamang sa emergency vehicles at marked government vehicles.
Tutulong ang QC Task Force on Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, at Quezon City Police District sa pagmando ng stop-and-go scheme sa U-turn slots, para makadaan ang mga sasakyan at hindi makaapekto sa EDSA Bus Carousel busways.
Inaasahan ang kooperasyon ng lahat ng mga motorista para sa maayos na daloy ng trapiko sa mga bubuksang U-turn slots.